UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES RESERVE OFFICERS' TRAINING CORPS
Please view the site under desktops and tablets only for now. Sorry for the inconvenience.

Keep Calm and Tikas Pahinga (A UP ROTC Testimony)
CPvt Christian B. Moraleda 3Cl
20 April 2014 at 1430H

Nang Dahil sa ROTC:

  1. Natutunan ko maging disiplinado at responsable. Noong una, ayaw ko. Sayang sa time, sayang sa pera, sayang sa lakas. Subalit dito, nalaman ko na ang mga ito ay hindi sayang, kung hindi worthwhile. Gigising ng maaga, aayusin ang mga gamit, lalo ang inspection materials, uniform, etc. Akala ko mahirap, pero dito pala, nasusubukan ang discipline ko.
  2. Naranasan ko ang ilang once in a lifetime experiences. Nakapunta ako ng Fort Magsaysay, nakaakyat ng Taclang Damulag, at nakakilala ng ilang mga sundalo na talagang kahanga hanga. Kahit paano ay nakita ko ang buhay nila, kung paano sila magsanay, at iba pa.
  3. Naging part ako ng iba’t ibang events sa UP. Bilang isang Rayadillo, isa kami sa mga nagpepresent sa iba’t ibang okasyon na ginaganap sa Unibersidad.
  4. Nakakilala ako ng iba’t ibang tao na may iba’t ibang ugali. Nakilala ko ang mga officers na maaaring strict, subalit “cool” sapagkat hindi lang sila magagaling, friendly pa sila.
  5. Natuto ako ng mga bagay na pwedeng maiapply sa future especially accidents. first aid, rifle marksmanship, rappelling, and more.
  6. Nakilala ko ang ituturing kong mga tunay na kaibigan ko. Hindi lang sila mga kaibigan, para ko narin silang kapatid. Yung bond na nabuo, iba. Masasabi mong matibay. Sila lagi ang kasama ko, kapag may problema, sasamahan ka at hindi ka iiwan. Naging isip bata ako, ayos lang sa kanila. Pati mga officers, masarap kasama. Camaraderie, yun ang tawag sa ipinararanas namin sa kapwa naming kadete.
Raya cadets at Cadet's Ball 2014

Raya cadets at Cadet’s Ball 2014

cpvt moraleda

Hail UP ROTC

Leave a Reply